Monday, September 11, 2006

Sayang

Chorus:
Sayang bakit hindi kita niligawan
Ngayon ako’y nanghihinayang
Kasi naman tatanga-tanga pa ako noon
Walang humpay na paghintay
Sa hindi dumarating na pagkakataon

Lagi namang kitang nakakasama
Ewan ko kung bakit ba wala akong nagagawa
Kahit na napakagaling mong kausapin
Ewan ko ba kung bakit ang hirap pa ring angkinin
Madalas naman tayong naglolokohan
Dinadaan ko lang sa biro ang tunay kong nararamdaman
Kaya siguro hindi mo sineryoso aking mga sinabi
Yan tuloy walang nangyari

[Repeat Chorus]

Kakalipas lamang ng isang sem nang
Makita kita na mayroong ibang kasama
Magkahawak ang inyong mga kamay
Ang dibdib ko ay sumikip
Ang paglunok ko ay naipit

Aking napatunayan na nasa huli ang pagsisisi
Para bang gusto kong umiyak
Ngunit para san pa wala namang magagawa

[Repeat Chorus]

Pagakakataon...
Pagkakataon...
Pagkakataon...

Posted by chrone :: 2:47 PM :: 1 Comments:

Post a Comment